Sunday, April 11, 2010
Friendster Out...Facebook In!!!
Hindi ka "in" pag wala kang Friendster account dati.
"Pengeng testi ha", "uy comment ka naman sakin". Yan ang linya ng mga High School ng early 21st century. Nauso ang social networking sites. Multiply, Myspace at Friendster. Sa US nagsimula ang lahat pero natatanging ang Friendster lang ang masasabi nating pinakapumatok sa kabataang Pilipino.
Marami ang gumawa ng account at marami ang nagpayabangan at nagpagandahan ng layouts ng profiles nila. Marami rin ang nag share ng mga litrato nila gamit ang friendster. Ganyang ganyan ako nung High School ako. Paramihan ng pics, paramihan ng testi at pagandahan ng background, mas patok pag may mp3 widget ang profile mo.
Subalit tila naging boring ang Friendster site nitong nakaraang dalawang taon. May dumating. Ayon sa karamihan ay mas masaya daw dito. Mas nakakaaliw, mas interactive. May games pa. Walang wala ang friendster. Nalaos bigla. Ang masama pa, narinig ko minsan sa isang grupo ng mga kabataan ay "jologs" na daw ang mga friendster users ngayon.
Nakita ko rin to sa isang photo site:
Marami ang lumipat sa FACEBOOK. Ang bagong kinababaliwan ngayon ng kabataan sa buong mundo! Inaamin ko isa ako sa kanila sa mga gumawa nun pero di ko naman lubusang iniwan ang kinasanayan at minahal ko din dating friendster.
Sa ngayon. Pareho kong ginagamit ang account ko sa friendster at facebook pero inaamin ko ulit na mas aktibo ako sa facebook. :)
Yun lang!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment