Thursday, December 2, 2010

Quotes- quotesan

"Kung tinotolerate mo ang kagaguhan niya, wala kang karapatang masaktan"

Monday, April 12, 2010

Reynaldo Hipolito, or most commonly known in showbiz as PALITO dies. This is sad.



Reynaldo Hipolito, also known as "PALITO" has passed away today, April 12, 2010 at 7:00 in the morning. He died from a lung complication at the Philippine General Hospital.

Palito, who kept a low profile in showbiz had continued to work to help his family. He played drums in a combo the performed in Sta. Cruz, Manila and that was where he got money for his family.

Maaalalang nagsimula si Palito bilang komedyante noong dekada sisenta (1960's) at nabansagang "Buhay na Bangkay" dahil sa kanyang bihirang kapayatan. Namayagpag ang karera ni Palito noong dekada sitenta (1970's). Nagbida siya sa mga pelikulang "Ram-Buto" at "Jones Bone", ispup ng mga pelikulang sumikat sa hollywood na "RAMBO" at "James Bond". Siya rin ay naging bahagi ng klasik sitcom na "Home Along Da Riles" na pinagbibidahan ng matalik na kaibigan din nyang si Dolphy.

Mamimiss ka namin Palito! Naway maging maganda ang paglalakbay mo sa kabilang buhay! Ikamusta mo kami kay Bro!

Yun lang!

Sunday, April 11, 2010

Friendster Out...Facebook In!!!


Hindi ka "in" pag wala kang Friendster account dati.
"Pengeng testi ha", "uy comment ka naman sakin". Yan ang linya ng mga High School ng early 21st century. Nauso ang social networking sites. Multiply, Myspace at Friendster. Sa US nagsimula ang lahat pero natatanging ang Friendster lang ang masasabi nating pinakapumatok sa kabataang Pilipino.

Marami ang gumawa ng account at marami ang nagpayabangan at nagpagandahan ng layouts ng profiles nila. Marami rin ang nag share ng mga litrato nila gamit ang friendster. Ganyang ganyan ako nung High School ako. Paramihan ng pics, paramihan ng testi at pagandahan ng background, mas patok pag may mp3 widget ang profile mo.

Subalit tila naging boring ang Friendster site nitong nakaraang dalawang taon. May dumating. Ayon sa karamihan ay mas masaya daw dito. Mas nakakaaliw, mas interactive. May games pa. Walang wala ang friendster. Nalaos bigla. Ang masama pa, narinig ko minsan sa isang grupo ng mga kabataan ay "jologs" na daw ang mga friendster users ngayon.

Nakita ko rin to sa isang photo site:



Marami ang lumipat sa FACEBOOK. Ang bagong kinababaliwan ngayon ng kabataan sa buong mundo! Inaamin ko isa ako sa kanila sa mga gumawa nun pero di ko naman lubusang iniwan ang kinasanayan at minahal ko din dating friendster.




Sa ngayon. Pareho kong ginagamit ang account ko sa friendster at facebook pero inaamin ko ulit na mas aktibo ako sa facebook. :)

Yun lang!

Saturday, April 10, 2010

BOREDOM STRIKES!

Andali ko talaga mabored lately. Buti nalang may internet para solusyunan ang problema kong to. At dahil sa paghahanap ko ng mapagkakaabalahan.

Ito ang aking natuklasan:





Try nyo din kung bored kayo.

MELASON Fever


Ito na yata ang pinakasikat na love team sa loob ng bahay ni Kuya. Nagsimula to lahat sa kakengkayan ni Melissa Cantiveros ( Melai ). Nung mga unang araw ng PBB season 3, o mas kilala sa tawag na PBB Double Up, hindi aakalain ng sinuman na sisikat ang babaeng to, until she shows up proofs of her so called "kakengkayan". Im a fan of PBB eversince. Though sometimes I miss episodes, I can say I know a lot of things going on inside Kuya's house. At dito ko nakita ung pinakaunang eksenang nagpatawa sakin kay Melai at dun ko narin nakita ang interes para subaybayan ang babaeng ito. She did a spoof of Sarah Geronimo's Forever's not Enough.

Eto yun :



Matapos ang eksenang ito ni Melai, nag umpisa na syang subaybayan ng maraming Pilipino. Sadyang natural na nakakatawa si Melai. Ibang iba yung saya pag pinapanuod mo sya. Kung di nyo nabalitaan, ang videong ito ay minsang naging youtube sensation. Ganun sya ka benta sa madlang pipol.

At hindi na tumahimik ang buong PBB season simula nito. Nagpatuloy ang kakulitan ni Melai. Bilang babae, si Melai ay nagkaroon ng tinatawag nyang crush sa loob ng bahay ni kuya. Yun si Jason Francisco na tubong Mindoro. Medyo may kakulitan din ang lalaking ito na binansagang Bad Boy sa loob ng bahay ni Kuya. Sa PBB house, dun nila kinilala ang isa't isa at naging mas malapit sila sa isa't isa.

Muli silang gumawa ng ingay sa bahay ni kuya. Sumikat ang love team nila at pinagpatuloy ang kakulitan ng tambalan nila na sinundan ng pagkakaroon nila ng baby na pinangalanan nilang Dengue.

Palala: wala pong anumang naging seksual na ugnayan si Melai at Jason para mabuo si Dengue. Ang bata ay isang hamak na "stuffed toy" lamang.

Ito ang patunay:















Ang MELASON

Maraming naging fans ang tambalan nilang pinangalanang MELASON (pinaghalong pangalan ni Melai at Jason). Sa huling araw ng PBB Double Up, humakot ng sandamakmak na suporta si Melai galing sa kanyang mga tagahanga. Siya ang tinanghal na Big Winner sa nasabing reality show.

At tila bumuhos ang swerte ng dalawang to. Biruin mo, hindi huminto ang pagsubaybay sa kanilang dalawa. Binigyan sila kaagad ng break ng ABS-CBN at nagpatuloy ang serye ng kanilang pag iibigan sa pamamagitan nito:



At ayaw talagang paawat ng biyaya sa kanila. Masusundan pa ito ng kanilang paglabas sa kaunaunahan nilang teleseryeng KOKEY, at isa din sila sa mga magiging bida sa panghapong programa ng istasyon na pinamagatang IMPOSTOR na pinagbibidahan din ng magandang aktres na si Maja Salvador.

But wait! there's more! Sa pagtatapos ng MELASON in love, masusundan ito ng Melason in da city, kung saan haharapin na nila ang mundo ng realidad. Kaya wag na tayong magtaka kung masusundan pa ito ng Melason just married, Melason and the family, Melason forever at Melason golden anniversary. Hahaha.

Yun lang! :)